“Something begins in order to end: an adventure doesn’t let itself be extended; it achieves significance only through its death. Towards this death, which may also be my own, I am drawn irrevocably. Each moment appears only to bring on the moments after. To each moment I cling with all my heart: I know that it is unique, irreplaceable - and yet I would not lift a finger to prevent it from being annihilated.” © Jean-Paul Sartre, Nausea
Explore Amazon
6.21.2005
Pagtawid
Nakakainis!
Hanggang ngayon takot pa rin akong tumawid
parang lagi kasi akong masasagasaan
o mahahagip.
Simple lang naman diba
lilingon sa kanan,
titingin sa kaliwa bago hahakbang.
Tatantyahin muna
kung kailangang bilisan
o pwedeng dahan dahan lang
ang paglakad patungo sa kabila.
Pero ba’t saksakan pa rin ako ng duwag?
Minsan nakaabante na
tatakbo pa pabalik,
sa kabagalan at pagdadalawang isip
susunduin na lang at kakaladkarin.
Gusto ko laging may kasabay sa pagtawid.
Sigurista na kung sigurista
eh anong magagawa ko,
sa takot akong mabundol no!
ang paniwala ko,
mas mabuti ang ligtas kesa padalus-dalos.
Kampante akong nag aantay sa sidewalk nang dumating ka
buhat nuon nabawasan ang takot ko sa pagbaybay sa kalsada.
Pakiramdam ko handa na akong iwan
ang bangketa ng pagkakaibigan
sabi kasi nila nag aantay ka lang na umusad ako pakabila.
Walang lingun-lingong sumugod ako patawid,
Kahit nangangatog ang tuhod
tumakbong ubod bilis.
Pero huli na nang makita ko
ang ilaw na kulay pula.
Paksyet! Hit and run ka lang pala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment