“Something begins in order to end: an adventure doesn’t let itself be extended; it achieves significance only through its death. Towards this death, which may also be my own, I am drawn irrevocably. Each moment appears only to bring on the moments after. To each moment I cling with all my heart: I know that it is unique, irreplaceable - and yet I would not lift a finger to prevent it from being annihilated.” © Jean-Paul Sartre, Nausea
Explore Amazon
7.14.2005
WALANG PAALAM
Tula
ang iiwan mong alaala,
mga salitang naipunla sa aking pagkatao'y
kusang sinibulan ng anyo at hubog
kumislot, huminga.
Buhay
ang mga katagang nailimbag
punumpuno ng saya at luha
sari-saring kulay
mga yugto ng iyong buhay
naitala sa sukat at tugma.
Huhugutin
mula sa balon ng gunita
muling babasahin
nanamnamin ang himig sa bawat titik
at hahanapin ang init ng haplos
ng matalinhagang diwa
habang ika'y wala
Walang paalam sa isang makata.
Anne Stephanie Cruz
July 14, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment