Explore Amazon

7.27.2005

Pulang Tula



Tanghaling tapat.

Nag uunahang pumatak ang luha ko sa nakabukas na pahina ng notebook. Nagsusulat ako ng tula at pula ang panulat na gamit ko. Eto ngayon, basang basa ng luha, kumalat ang tintang pula sa papel.

Isang lawa nang pula, nilamon ang mga linyang nais ko sanang isulat. Paano ko tatapusin ang tula ngayong iniwan na ako ng taong naghatid sa akin sa panulaan? Pasasalamat pa naman dahil napili akong PP poet of the month for August. Dahil sa'yo kaya ako nandito, dahil tinugon ko ang paanyaya mo na muli kong pakinggan ang tawag ng panulaan.

At ngayon ito?

Sana hindi dito matapos ang pagkakaibigan natin. Sana hindi dito matapos ang pagmamahal mo sa tula at sa buhay. At sana mahinto na rin ang pagpatak ng mga luha ko sa pahina ng di matatapos at nagdurugong tula.

allvoices

No comments: