Tula ni: Enrico Torralba
"Akala ko'y di ko maiibig ang dagat."
--mula sa TAKOT SA TUBIG ni Rio Alma
Ang kanyang pagdampi sa labi
Ng dalampasigan ay lubos
Na pagtangi sa bato at buhangin.
Sa tuwing siya ay dumarating,
Lagi siyang may handod
Na taludtod ng tilamsik at ginhawa.
Kaya minsan, sa muli niyang pagdalaw
Siya ay aking inangkin,
Siya ay aking inaruga
A ipinaghele sa aking mga palad.
Ngunit sa bawat pagbubuntis ng buwan,
Nararamdaman kong
Ang pananatili niya sa aking piling
Ay panunuyo ng kanyang tinig.
Ayaw kong mawala ang awit ng alon
Kapag sinusuyo ang dalampasigan
Kaya minabuti kong masdan na lang
Siyang lumisan pabalik sa dagat.
Mula noon, natitik sa aking isip
Na hindi para sa akin
Ang pagmamahal ng alon.
**one of the poems in Sir John's chapbook. Do I need to explain how much heartache and tears are mirrored here? I keep remembering the poem "Gabu" I've read in college...It is the sea that pursues a habit of shores. Yes, it is another shore that he wishes to come home to...
No comments:
Post a Comment