Explore Amazon

1.06.2006

Bathroom Confessions

Kung sana'y agua bendita ang ibinubuhos,
o krusipiho ang ipinangkukuskos
baka sakaling matanggal pa
ang mga mantsang naiwan sa paanan ng dutsa.

Ang kaso'y sa harap ng domex at eskoba lang
kayang mangumpisal ng mga tulad kong
sa nakapinid na silid nagkakasala.

Kaya't ang bawat buhos ng tubig
sinasabayan nang pagluha,
baka sakaling sa paglilinis
makatagpo ng pagpapalaya

stephie
1/02/06

allvoices

No comments: