At nabasag ang salamin ng gunita...
ang mga bubog,
naging kristal na along nakatanaw
sa makabila nating pampang,
mga hiyas na ngayo'y pinupulot isa-isa
hindi para muling buuin,
kundi upang mag-iwan ng mga sugat
na maghihilom rin kalaunan.
Saka pa lamang mananaludtod
ang bawat pilat at ilalantad
ang mga tulang sangreng
iginuhit mo sa aking balat.
*blood poem
No comments:
Post a Comment