Explore Amazon

11.29.2005

From Pinoypoets

Sagot sa Kanina, Inihagis Ko ang Puso Ko sa Dagat

Rosalynn S. Georpe
November 26, 2005

Bumalik ako sa dalampasigan
Kung saan ka huling nagpaalam
Iniyapak ko ang aking mga paa
sa buhangin -
Nabasa ng mga naghahabulang
tubig...
Ngunit `di tulad ng dati

Kulimlim ang langit
Inunahan ako nito sa paghikbi...
Minasdan ko ang pagpatak
ng ulan sa mukha ng dagat -
At ninais na minsan ay maging
isang bula...

Upang kahit isang saglit
ay mayakap ko
ang mga bububog ng basyong
pinaglagyan ng `yong puso...

allvoices

11.25.2005

Kanina, Inihagis Ko Ang Puso Ko Sa Dagat



Kanina, inihagis ko ang puso ko sa dagat.

Sa isang basyong sisidlan,
isinilid ang tulang sadyang hindi tinuldukan.
Inilakip pati ang mumunting mga bula ng pag-asang
daglian din namang naglaho,
maging ang mga panalanging hindi kailanman mabibiyayaan ng tugon.

Walang itinira.

Kanina, inihagis ko ang puso ko sa dagat.

Niyakap ito ng mga alon at paulit-ulit inihampas
sa mga nag-usling bato.
Nagkabasag-basag ngunit hindi nagdugo,
taglay pa rin ang tamis at pait ng hindi maaming pag ibig--
naghahangad ng paglaya
sa pagtatagpo ng mga basyong bubog at ng iyong anino
milyong umaga man buhat ngayon.

Anne Stephanie Cruz
November 24, 2005

allvoices

11.21.2005

Mahal kita sa pinakamailap kong pagmamahal

Tula ni Mark Angeles

Mahal kita sa pinakamailap kong pagmamahal

Kasing-ilap ng makahiyang tumubo sa batuhan.
Tumitiklop kung madampian ng palad
o masayaran ng talampakan.
Humihilig kung biglang mahipan.

Matama itong nakikinig sa iyong tinig
na tulad ng lagok ng tubig sa payapang batis.
Naririnig na tila kuliling ng anghel
maging ang tahimik mong paghagikhik.

Mahal kita sa pinakamailap kong pagmamahal.
Naghahawan ako ng talahib sa iyong dinaraanan.
Maingat na lumilisan. Walang iniiwang bakas.
Hindi naghahangad na iyong matuklasan
ang ibinigay sa aking palayaw.
Walang tinitipang harana o isinosobreng liham
na maaaring mapasakamay ng iyong mga kaibigan.

Kung sakaling ibulong sa iyo ng mga talahib
itong pagkamailap ng aking pagmamahal,
akin silang tatagpasin hanggang walang maiwan.
Tutupukin ang mga natirang haplit ng alingawngaw
na naghihingalo sa nangayupapang mga luntian.
Ililigpit ang lahat ng maaaring makapagpabatid
na may ganitong pagmamahal akong inaalagaan.
Dahil itong mailap na pagmamahal ay nagbiling
magpagapas sa oras na mabunyag ang pamumukadkad.

Mahal kita sa pinakamailap kong pagmamahal.
Hindi naghihintay ng anumang paglingap.
Hindi nangangailangan ng anumang kasiguruhan.
Basyong kristal na mag-isa kong pinakikintab.
Malinaw sa akin ang bawat katangian:
maningning sa tag-araw, mapusyaw sa taglagas.
At kung sakaling ito ma'y mabasag,
wala kang dapat ipaghingi ng tawad.
Kusa itong maglalaho sa likod ng matatandang puno,
pag-alulong ng mga asong gubat sa amarilyong buwan.

allvoices

11.17.2005

The Courtesan's Garden




i.
sleeping
on a blanket of snowflakes--
missing you
ii.
yellow rosebuds
feeding
on courtesan tears
iii.
secrets
tainting white pebbles
black
iv.
twigs crackling
under fleeing boots--
the sun rising
stephie
11.17.05
3.00 a.m.

allvoices

Mercury in Retrograde



by: Stephie

You're terrified of carousels, yet ride it again and again, believing centripetal force would change how your world has been revolving: opposite your fixed path around the sun.

You liken yourself to mercury in retrograde--transiting the heavens in several reverse cycles each year. Except you say, you have yet to find your way back into orbit.

Gravity threw you off kelter. Attraction to the sun upset your pre-set motion in the cosmos.
From a celestial being once capable of commanding the skies, you're now a mere mass of burning gas in the solar system.

Day after day you board that carousel, relishing the feeling of being spun around, all the while hoping for some unseen force to jolt you back on track.

But you dread coming to a halt.

For when the ride ends you realize why you were moving in retrograde: you've been circling the wrong sun.

allvoices

11.14.2005

Curdling

I asked my guts if we making dairy today.

It was churning at about a hundred turns per minute, carefully curdling stomach acids and morning coffee. For a few seconds, the formed lumps hung suspended in my wind pipe then slowly rose to my throat, preparing to choke me.

My insides continued to heave.

Unsettled and frustrated--- it vented anger on a tablespoon of coffee, sugar and cream---the unsuspecting contents of a venti tumbler I was downing with neither mercy nor remorse.

Gulp after scalding gulp, my stomach grumbled its protests; churning until the curd turned thick and heavy. While I, sitting rod-straight in the intimidating conference room, nodded and feigned a smile.

The lumps became hands that balled into fists.

Pelted with punches, pain rendered me deaf to sugar-coated speeches. I could no longer listen.

Convulsing in spasm, I bolted out of the room to spew----my violent reactions; my swallowed protests; my muffled questions---all washed down by this morning's coffee.

My stomach exacted vengeance on me for being so damn chicken.

allvoices